Mga Artikulo
Ang Pinakamagagandang Mga Chess Opening Para Sa Mga Baguhan

Ang Pinakamagagandang Mga Chess Opening Para Sa Mga Baguhan

CHESScom
| 588 | Para sa Baguhan

Ang ilang mga unang tira sa larong chess ay maaaring maging pinakamahalagang tirang gagawin mo. Sa mga tirang iyon, ilalatag mo ang iyong mga unang plano at ipaglalaban mo ang iyong lugar sa board. Karamihan sa mga baguhan ay hindi kailangang isaulo ang eksaktong mga tira sa opening at dapat ay mag-focus lang sa magandang alituntunin ng opening gaya ng pagkontrol ng sentro at pag-develop ng iyong mga piyesa. Kaya lang, nakakatulong din na malaman ang ilang opening dahil maaaring pangkaraniwan na lamang ang mga ito, at nakakatulong ang mga ito na palakasin ang mga magagandang plano. Pero huwag masyadong magtitiwala sa pagsasaulo dahil baka maramdaman mong nawawala ka.

Ang ilan sa mga magagandang opening sa chess para sa mga baguhan ay:

#1 Ang Italian Game
Ang Italian Game ay nagsisimula sa 1.e4 e5 2.Nf3 Nc6 3.Bc4. Ang punto ay ang madaliang pagkontrol sa sentro gamit ang iyong pawn at kabayo at ang paglagay sa bishop sa kanyang pinakamapanganib na square. Naghahanda ka ring maging ligtas sa pamamagitan ng pag-castling.

#2 Ang Sicilian Defense
Ang Sicilian Defense ay ang pinakatanyag para sa mga agresibong manlalaro gamit ang itim na mga piyesa. Kadalasan ang Puti ay titira ng 2.Nf3 at 3.d4 na makakakuha ng sentrong espasyo, pero nagpapahintulot ito sa Itim na makinabang sa palitan ng sentrong pawn kapalit ng bishop's pawn.

#3 Ang French Defense
Ang French Defense ay isa sa mga unang opening na strategic na dapat matutunan ng lahat ng manlalaro ng chess. Pagkatapos ng e5 (ngayon o mamaya), ang parehong panig ay magkakaroon ng tanikalang pawn. Ang isa sa mga panganib ng French Defense ay ang maaaring mahirap na pag-develop sa c8-bishop.

#4 Ang Ruy-Lopez
Ang Ruy Lopez ay isa sa mga pinakaluma at pinakaklasiko sa lahat ng mga opening. Ito ay ipinangalan sa isang Kastilang pari na sumulat ng isa sa mga unang aklat ng chess. Inaatake ng Ruy Lopez ang kabayong dumedepensa sa pawn na e5. Umaasa ang Puti na gamitin ang atakeng ito para magdagdag ng pressure sa sentro ng Itim.

#5 Ang Slav Defense
Ang Slav Defense ay isang solidong opening na ligtas na dinedepensahan ang pawn na d5. Ang mga piyesa ng Itim ay pwedeng ma-develop sa mga natural na square, pero ang Itim ay karaniwang may kaunting espasyo lamang.

Pero ang pinakamagandang opening sa lahat ay Ang Opening na Kontrolin-ang-Sentro-gamit-ang-mga-Aktibong-Piyesa-at-Maingat-na-Paglalaro! At alam mo na kung paano laruin iyon.

Mas marami pa galing kay CHESScom
Paano Maglaro ng Chess | Mga Patakaran + 7 Unang Hakbang

Paano Maglaro ng Chess | Mga Patakaran + 7 Unang Hakbang

Ang 10 Pinakamahusay na Patibong sa Chess

Ang 10 Pinakamahusay na Patibong sa Chess